Mahigit 2,000 pasahero stranded sa mga pantalan

Mahigit 2,000 pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol at Southern Visayas dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa update mula sa Philippine Coast Guard, sa Batangas City Port mayroong pinakamaraming stranded na pasahero na 1,546.

Sa Calapan Port sa Oriental Mindoro naman ay may 208 na stranded na pasahero at 167 naman sa Port or Roxas sa nasabi ring lalawigan.

May mga stranded din na pasaher sa mga pantalan sa Occidental Mindoro, iba pang pantalan sa Batangas, Romblon, Northern Quezon, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Negros Oriental, at Siquijor.

Maliban sa mga pasahero, mayroon ding 307 na stranded na rolling cargoes, 33 na barko at 20 motorbanca.

Read more...