Nagpaliwanag ang Philippine Ports Authority (PPA) sa naranasang matinding traffic sa maraming lansangan sa Maynila dahil sa inihintong operasyon sa South Harbor.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, inihinto ang port operations sa South Harbor simula Huwebes ng tanghali dahil hindi magandang panahon.
Tigil operasyon din sa mga pantalan sa Southern Luzon kaya ang mga barko sa pier sa Maynila ay hindi nakapaglayag.
Ani Santiago, nagtalaga sila ng Port Police at security guards para tumulong sa pagmando ng daloy ng traffic sa Bonifacio Drive, Road 10 at sa palibot ng Manila Port Area – Philippine Ports Authority.
Dahil sa nasabing tigil-operasyon, naipon ang mga truck na papasok sa gate ng pier na nagresulta sa matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa maraming kalsada sa Maynila.