Antas ng tubig sa Marikina River nasa 14.3 meters na

Tumaas ang antas ng tubig sa marikina river sa 14.3 meters alas 7:30 ng umaga ng Biyernes (Aug, 9) dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan.

Ito ay mula sa 14.2 meters na naitalang lebel ng tubig alas 6:00 ng umaga.

Ayon sa Makarina Rescue 161, pagdating ng 14.5 meters ay nakahanda na ang kanilang mga tauhan sa mga posibleng respondehan.

Itataas naman ang unang alarma kapag umabot na sa 15 meters ang antas ng tubig sa naturang ilog.

Read more...