P1M halaga ng shabu nakumpiska sa Antipolo; 4 arestado

Arestado ang apat na drug suspects sa magkahiwalay na operasyon sa Antipolo City, Rizal.

Ikinasa ang operasyon sa Barangay San Isidro at Barangay San Luis.

Nakumpiska sa apat na suspek ang 11 piraso ng plastic sachet ng naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tinatayang aabot sa 124.23 grams ang bigat nito at nasa P1 milyon ang halaga.

Ang apat ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...