Typhoon Hanna nasa labas na ng bansa; Metro Manila at malaking bahagi ng bansa patuloy na uulanin

Bagaman nakalabas na ng bansa magpapatuloy ang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa Habagat.

Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, bahagyang humina ang bagyong Hanna, na huling namataan sa layong 645 kilometers north northeast ng Basco, Batanes.

Pero patuloy nitong hinahatak ang Habagat kaya maraming lugar ang makararanas ng moderate hanggang heavy monsoon rains kabilang ang mga sumusunod:

• Ilocos Region
• Cordillera Administrative Region
• Batanes
• Babuyan Group of Islands
• Zambales
• Bataan
• Occidental Mindoro
• northern portions ng Palawan

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman at kung minsan ay malalakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa:

• Metro Manila
• Western Visayas
• rest of CALABARZON
• rest of Central Luzon
• rest of MIMAROPA

Samantala ang isa pang bagyo na binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa at may international name na Krosa ay huling namataan sa layong 1,990 kilometers east ng extreme Northern Luzon.

Mabagal ang kilos nito pa-silangan at hindi inaasahang papasok sa bansa.

Read more...