Inilampaso ng Gilas ang Congo at nagtapos ang laban sa score na 102-80.
Partikular na hindi inasahan ni Guiao ang ginawang 120 points ng mga players.
Patunay anya ito na epektibo ang ginagawang opensa ng Gilas.
Nagpakitang gilas si Japeth Aguilar na isa sa mga huling PBA players na huling nakasama sa national team dahil sa paglalaro pa nito sa Barangay Ginebra sa Commissioner’s Cup semi-finals.
Katuwang ni Aguilar ang naturalized player na si Andray Blatche sa pagdurog nila sa Congo.
Ang panalo ng Gilas kontra Congo ay bago ang pagsabak nila sa Fiba World Cup sa China kung saan nakatakda nilang makasagupa ang powerhouse na Serbia at Italy sa Group A.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang tsansa na manalo ang Gilas kontra Italy dahil malalaki ang kanilang players at sinabi pa nitong mabuting pumusta na lamang sa koponan ng China.