Sa ulat ng isang pahayagan, sinabing bawat Kongresista ay makatatanggap ng P100 milyon at P200 milyon naman bawat senador para sa kani-kanilang mga proyekto.
Sinabi sa ulat na pinagpasa ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga mambabatas noong Hulyo ng listahan ng kanilang mga proyekto sa 2020.
Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ng pangulo na wala pa siyang naririnig ukol dito at lilinawin niya ito sa Kongreso at DBM.
“I have not heard of it. When we come to the liaison between the Congress and the Executive Department we’ll bring this up,” ayon sa pangulo.
Ayon sa pangulo, inihahanda pa naman ang panukalang budget sa kasalukuyan.
“What is the nature and dimension of that? Is it for the maintenance or for the committee hearings? Any hearing you have to spend. If you go out of the province you have to spend. I’m going to ask them, wala pa namang… We are still in the stage of preparing the budget,” dagdag ng presidente.
Plano ng administrasyon na maipasa ang 2020 National Expenditure Plan sa Kongreso bago o mismong sa August 21.