Umabot sa 100,399 na aplikasyon ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) para sa unang linggo ng voter’s registration sa buong bansa.
Ayon sa Comelec, sa unang tatlong araw ay nakapagtala sila ng 92,392 applications sa mga may edad na 18 years old pataas.
Habang ang nagparehistro na mga menor de edad na 15 hanggang 17 years old ay nasa 1,043.
Sa National Capital Region (NCR) ay nasa 8,430 ang aplikasyon.
Pinakamataas naman ang bilang ng mga nagparehistrong mga matatanda sa Region IV-A na 19,651 at ang Region VII naman para sa mga minors na nasa 1,043.
Nagsimula ang voter’s registration noon August 1 para sa nakatakdang 2020 barangay at Sangguniang Kabataan elections.
MOST READ
LATEST STORIES