Ang insidente ay naganap ilang araw lamang matapos ang malagim na paglubog ng tatlong motor banca noong Sabado na ikinasawi ng 31 katao.
Sa inisyal na impormasyon mula kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Armand Balilo, masamang panahon ang dahilan ng paglubog ng bangka kahapon.
Dahil sa mataas na alon at malakas na hangin, lumubog ang bangka sa bahagi ng Barangay Lawi, bayan ng Jordan.
Posible umanong nagpilit ang bangka na maglayag kahit mahigpit ang babala ng PCG.
Ligtas naman ang dalawang mangingisdang sakay ng bangka na nakilalang sina Catalino Bengson, 56 anyos, at Jayson Bengson, 19 anyos.
Kahit nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Hanna, mapanganib pa rin ang paglalayag sa nakararaming bahagi ng bansa dahil sa Habagat na hinahatak ng bagyo.