Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi malalagay sa alanganing sitwasyon ang mga opisyal o tauhan ng Philippine National Police (PNP) sakaling ipatawag sila sa mga pagdinig sa Senado o Kamara.
Sinabi ni Duterte na habang nasa Senado sina Sen. Bong Go at Ronald Dela Rosa ay alam niyang nasa maayos na kalagayan sa mga pagdinig ang mga pulis.
Kung sakaling mabastos sa mga pagdinig ay pinayuhan ng pangulo ang mga alagad ng batas na tumayo at umalis na lamang.
Ayon pa sa pangulo, “Kung ipaaresto kayo ng Sergeant-at-Arms nila…sabihin mo ‘kapag hinold ako tatawagan ko si Mayor’. At sasabihin ko naman sa kanila ‘pupunta ako diyan’.”
Pinayuhan rin niya ang mga pulis na huwag pumayag na sila ay bastusin ng mga mambabatas sa anumang uri ng pagdinig.
Umapela rin si Duterte sa mga mambabatas na irespeto ang mga ipinatatawag na resource person lalo’t kung ang mga ito ay kapwa nila mga tauhan ng pamahalaan.