Iprinisinta sa media ng Philippine National Police (PNP) ang mga bagong nabiling baril, sasakyan at iba pang kagamitan.
Sa talumpati sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief, Gen. Oscar Albayalde na layon nitong mapaigting ang mga police operasyon sa buong bansa.
Kabilang sa mga bagong gamit ng PNP ang 95 sasakyan, 10,000 Canik 9mm pistol, pitumpu’t walong Negev light machine gun, 3,684 na combat helment, 2,255 na tactical vest at 568,226 na bala na 9mm ammunition.
Nagkakahalaga ang mga kagamitan ng P784 million.
Nakuha naman ang pondo sa mga gamit sa Capability Enhancement Program ng PNP mula 2014 hanggang 2019.
Ipamimigay ang mga gamit sa iba’t ibang unit ng PNP.
MOST READ
LATEST STORIES