Tiniyak ng Manila International Airport Authority o MIAA sa publiko na maayos ang kanilang mga pasilidad sa mga paliparan partikular na ang mga timbangan at check-in counters.
Kasunod ito ng kumakalat na mga balita sa social media na may daya ang kanilang mga timbangan ng bagahe.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, araw-araw ang ginagawang inspeksyon sa mga weighing scales at nagsasagawa ng calibration kada anim na buwan.
Gayunpaman, may mga airline companies pa rin na gumagamit ng sariling timbangan dahil sa mga reklamo ng ilang pasahero.
Pinaalalahanan naman ni Monreal ang mga airline companies na gumamit ng mga timbangang pasado abg kalidad sa pandaigdigang pamantayan.
MOST READ
LATEST STORIES