Metro Manila, mga kalapit na lalawigan isinailalim sa heavy rainfall warning ng PAGASA

Dahil sa patuloy na nararanasang malakas na buhos ng ulan, nagtaas na ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Alas 11:30 ng umaga ngayong Huwebes, Aug. 8, itinaas ng PAGASA ang yellow warning level sa Metro Manila, Zambales, Bataan,at Cavite.

Maaring makaranas na ng pagbaha sa mga mabababang lugar dahil sa ialng oras nang pag-ulan.

Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Laguna, at Batangas.

Ganito rin ang lagay ng panahon sa Bulacan, Rizal, Quezon, at Pampanga.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa susunod nilang pagpapalabas ng rainfall advisory.

Read more...