Typhoon Hanna lumakas pa; Metro Manila makararanas na rin ng malakas na monsoon rains

Muling nadagdagan ang lakas ng Typhoon Hanna habang kumikilos papalayo ng bansa.

Huling namataan ang bagyo sa layong 490 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Ang outer rainbands ng bagyong Hanna ay nagpapaulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands na nakasailalim sa signal number 1.

Moderate hanggang heavy monsoon rains naman ang mararanasan sa sumusunod na mga lugar ngayong araw:

– Metro Manila
– Occidental Mindoro
– Oriental Mindoro
– northern portions ng Palawan
– Calamian at Cuyo Islands’
– Antique
– Iloilo
– Guimaras
– Zambales
– Bataan
– Rizal
– Cavite
– Bulacan

Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan naman sa:

– Ilocos Region
– Cordillera Administrative Region
– nalabing bahagi ng Central Luzon
– nalabing bahagi ng CALABARZON
– nalabing bahagi ng MIMAROPA
– at nalabing bahagi ng Western Visayas

Bukas ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

Read more...