Partikular na pinauungkat ni Assistant Minority Leader at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ang posibleng pamamayagpag ng rice cartel sa gitna ng pag-iral ng Rice Tariffication Law.
Nakakaalarma anya ahil bagamat positino ang pagbaba ng presyo ng bigas sa pampublikong pamilihan sa2.9%, ang presyo naman ng palay na binebenta sa mga magsasaka sa rice traders at middlemen ay mas mataas ng 17.48% .
Nangangahulugan aniya ito na ang mga magsasaka ang siyang nagdadala ng malaking bahagi ng pagbawas sa presyo ng bigas na hindi patas.
Naniniwala si Quimbo na maling magkalayo ang agwat ng pagbaba ng nabibiling bigas at sa ibinibentang palay at posibleng mayruong lumabag sa Section 15 ng Philippine Competition Act na nagtatakdang hindi dapat maabuso o mapagsamantalahan ang mga rice farmer.
Nais ding malaman ng mambabatas kung napakikinabangan ng mga maliliit na magsasaka ang Rice Competitiveness Enhancement Fund na magagamit dapat na pansuporta sa gitna ng inaasahang epekto ng pagbaha ng murang imported rice. at paglabag sa batas ng ilang mga rice miller at rice trader sa bansa.