680 na katao inaresto sa isinagawang raid ng immigration officials sa Mississippi

Aabot sa 680 na katao ang naaresto sa serye ng raid na ikinasa ng immigration officials sa Mississippi.

Bahagi ito ng crackdown ng US Immigration and Customs Enforcement laban sa illegal immigrants.

Ayon sa US I-C-E maaring ito na ang pinakamalaking bilang ng mga nadakip sa isang estado sa kanilang ginagawang crackdown.

Ginawa ang raid sa ilang mga bayan gaya ng Bay Springs, Carthage, Canton, Morton at iba pa.

Pawang mga trabahador ng food processing plants ang mga nadakip.

Dala ng mga opisyal ang search warrants para sa pitong magkakaibang lokasyon target ang ilang kumpanya.

Read more...