Big-time drug pusher patay makaraang manlaban sa buy-bust sa Laguna

Patay makaraang manlaban sa mga pulis ang isang big-time drug pusher sa bayan ng Lumban sa Laguna.

Nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Lumban Police laban sa suspek na si Reynande Coralde sa Barangay Bagong Silang.

Positibong nakabili ang poseur buyer ng P24,000 halaga ng shabu sa suspek.

Gayunman, nang siya ay aarestuhin na, sa halip na sumuko ay nanlaban si Coralde.

Sinabi ni Police Maj. Ryan Jay Orapa ng Laguna Police, si Coralde ay isa sa mga itinuturing na big-time drug pusher sa lalawigan.

Nakuha sa suspek ang ilegal na droga na tinatayang aabot sa P250,000 ang halaga at kalibre 45 na baril.

Dati nang nakulong si Coralde dahil din sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs.

Read more...