9 na miyembro ng “Salisi Gang” arestado sa San Jose City, Nueva Ecija

Siyam na katao ang dinakip sa Nueva Ecija kabilang na ang isang menor de edad dahil sa pagnanakaw.

Ang mga suspek na kinabibilangan ng tatlong lalaki at anim na babae ay natuklasang galing pa ng Maynila at Malabon at pawang miyembro ng “Salisi Gang”.

Naaresto ng mga tauhan ng San Jose City Police ang siyam sa Barangay Caanawan.

Ito ay makaraang makatanggap ng ulat ang mga otoridad hinggil sa pagnanakaw ng grupo sa bag ng isang biktima.

Ayon sa biktima ang kaniyang bag ay naglalaman ng cellphone at P5,000.

Isa sa mga suspek ay nakuhanan ng ilegal na droga.

Ang siyam ay pawang nakakulong ngayon sa San Jose City police station.

Read more...