Bagyong Hanna lumakas pa; kumikilos na patungong Southern Ryukyu Islands

Lalo pang lumakas ang bagyong Hanna habang ito ay kumikilos patungo nga Southern Ryukyu Islands.

Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Typhoon Hanna sa layong 485 km East Northeast ng Basco, Batanes.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 215 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands

Makararanas naman ng moderate to heavy monsoon rains ang sumusunod na lugar ngayong araw (Aug. 8):

– MIMAROPA
– Zambales
– Bataan
– Cavite
– Batangas

Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang iiral sa:

– Metro Manila
– nalalabing bahagi ng Luzon
– Western Visayas

Ayon sa PAGASA bago tuluyang lumabas ng bansa ay patuloy pang lalakas ang Typhoon Hanna, subalit hindi naman na ito inaasahang tatama sa kalupaan.

Bukas ng umaga inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo. (END/DD)

Read more...