Sa panayam ng media sa Senado araw ng Miyerkules, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau chief Dr. Ferchito Avelino na sa Oktubre inaasahan ang peak ng dengue cases dahil sa buwang ito magsisimulang mangagat ang dengue-carrying mosquitoes na aedes aegypti.
Inaasahang maraming mosquito eggs ang magiging ganap na lamok sa naturang buwan.
Paliwanag pa ng dengue official, ang 2019 ay ‘dengue year’ kung saan talamak ang sakit kada ikatlong taon.
Tumaas anya ng 98 percent ang bilang ng kaso ng sakit mula noong January 1 hanggang nitong July kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.
Hinimok ni Avelino ang publiko na pairalin ang 4S kontra dengue o ang Search and destroy, Self-protect, Seek early consultation at Say yes to fogging.