Ayon sa Phivolcs, alas-12:42 nang tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Quezon.
Ang episentro ng pagyanig ay sa layong 15 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Real.
May lalim ang pagyanig na tatlong kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Mauban, Quezon.
Ala-1:51 naman ay yumanig ang magnitude 3.1 na lindol sa Davao Occidental.
Ang episentro ng lindol ay sa layong apat na kilometro Hilagang-Kanluran ng Jose Abad Santos.
May lalim naman ang pagyanig na 33 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig na hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.
Wala ring inaasahang aftershocks ayon sa Phivolcs.
MOST READ
LATEST STORIES