Muling nagsumite ng panibagong listahan ng mga nominees ang Duterte Youth Partylist sa Commission on Elections (Comelec).
Sa panibagong aplikasyon, muling napasama sa listahan ng nominees si Ducielle Suarez bilang 2nd nominee.
Si Suarez ay una nang nag withdraw o umatras sa kaniyang nominasyon dahil sa hindi na umano niya magagampanan ang kanyang tungkulin sa grupo.
Pinalitan siya ng kaniyang asawa na si dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema ngunit kinansela ito ng Comelec First Division noong August 5.
Pero sa kabila ng pagbasura ng Comelec sa nominasyon ni Cardema, nananatili pa rin itong first nominee sa bagong listahan ng kinatawan ng partylist.
Sa certificate, magkasunod ang pangalan nina Cardema at misis nito.
Isiningit lamang ang pangalan ni Ronald Cardema sa ibabaw ng pangalan ng asawa nitong si Ducielle bilang 1st nominee.