Sa pulong balitaan sa Malakanyang araw ng Miyerkules, sinabi ni Lamentillo na hindi sa EDSA ang daan nito.
May ginagawa na anyang hakbang ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH).
Halimbawa anya ang Skyway stage 3 na makukumpleto na ngayong taon.
Isa itong expressway na kukunekta sa Buendia, Makati City patungong North Luzon Expressway (NLEX) sa Balintawak, Quezon City.
Sinabi pa ni Lamentillo na marami pang gagawing proyekto na layon na magbigay ng alternatibong ruta sa mga motorista para mabawasan ang mga sasakyan na dumadaan sa EDSA.
Sinabi rin ni Lamentillo na oras na makumpleto na ang iba pang proyekto maging ang mga tulay sa paligid ng EDSA, inaasahan na sa pagpasok ng taong 2022 ay mas luluwag na ang trapiko sa buong Metro Manila.