Gobyerno malaki ang pagkukulang sa paglala ng dengue ayon sa Makabayan bloc

Iginiit ng Makabayan bloc sa Kamara na malaki ang pagkukulang ng gobyerno sa pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kina Gabriela Rep. Arlene Brosas at ACT Teachers Rep. France Castro, ang paglala ng problema sa dengue ay patunay na matindi ang naging kapabayaan kaya hindi dapat magmalinis dito ang pamahalaan.

Sinabi ng mga ito na dapat ay naasikaso agad ng pamahalaan ang pagtaas ng dengue cases habang hinahabol ang mga nasa likod ng procurement ng Dengvaxia vaccine at ang napaulat na pagkamatay ng mga nabakunahan nito.

Tutol sina Brosas at Castro sa plano ng pamahalaan na ibalik ang Dengvaxia vaccine para solusyunan ang dengue outbreak sa bansa.

Giit ng mga kongresista, naging bahagi pa ng sistema na mas malala ang gobyerno dahil sa kawalan ng aksyon para mapigil ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue.

 

Read more...