Duterte nagbigay ng tulong pinansyal sa mga naulila ng aksidente sa dagat sa Iloilo

Credit: Senator Bong Go

Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilya na mga nasawi sa paglubog ng tatlong bangka sa karagatang sakop ng Iloilo at Guimaras.

Ayon kay Senador Bong Go, binigyan ng Pangulo ng tig P50,000 ayuda ang mga naulilang pamilya sa pagbisita nito sa burol ng mga namatay araw ng Miyerkules.

Bukod sa pinansyal na tulong ay binigyan din ng Pangulo ng cellphone ang bawat pamilya.

Nagbigay naman si Senador Go ng hiwalay na tig P5,000 na tulong sa mga kaanak ng mga nasawi gayundin ang cellphone.

Nasa 31 ang nasawi nang tumaob at lumubog ang tatlong bangka sa Iloilo Strait noong nakaraang linggo.

 

Read more...