Lalaking snatcher arestado sa Novaliches

QCPD photo

Arestado ang isang lalaking snatcher na kumuha ng cellphone ng isang pasahero sa loob ng jeep sa Novaliches, Quezon City Miyerkules ng hapon.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay nakilalang si Bobby Mercader, 50 anyos at residente ng Marilao, Bulacan.

Humingi ng tulong sa pulisya ang biktimang si Rachelle Tenorio, 18 anyos.

Agad na rumesponde ang mga pulis na nagpapatrulya sa Quirino Highway, Barangay Kaligayahan, dahilan kaya nahuli agad ang suspek.

Nakuha sa suspek ang cellphone ng biktima nagkakahalaga ng P9,000.

Nakakulong na ang suspek sa Novaliches Police Station 5.

 

Read more...