Comelec ikinatuwa ang resulta ng SWS survey ukol sa resulta ng May elections

Ikinagalak ng Commission on Elections (Comelec) ang resulta ng pinakahuling Social Weather Station (SWS) Survey kaugnay ng naging resulta sa 2019 midterm elections noong Mayo.

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abbas, matagal na silang kumpyansa na maayos ang naging halalan sa kabila ng ilang mga aberyang naranasaan.

Dagdag ni Abbas, ang naging resulta ng survey ay patunay lamang na sumasang-ayon ang publiko sa tagumpay ng nagdaang na eleksyon.

Sa SWS survey na ginawa mula June 22 hanggang 26, nakakuha ang Comelec ng 80 percent satisfaction rate o apat sa limang Pilipino ay naniniwalang walang naganap na dayaan sa halalan.

Nasa 12 percent naman ang naitalang dissatisfied habang 7 percent ang undecided.

 

Read more...