Mga barangay officials isinusulong ng isang kongresista na maisama sa coverage ng GSIS

Isinusulong ni Isabela 6th District Rep. Faustino Inno Dy V na mapasama sa coverage ng Government Service Insurance System o GSIS ang mga opisyal ng Barangay.

Sa ilalim ng House Bill 2294 ni Dy, nais nito na maamyendahan ang RA 8291 o ang Government Service Insurance System Act of 1997.

Sa kabila ayon kay Dy ng mahalagang papel ng mga opisyal ng barangay ay hindi ang mga ito sakop sa coverage ng GSIS.

Kapag naging batas ang panukala, isasama sa coverage ng GSIS ang mga punong barangay, barangay kagawad, barangay secretaries at barangay treasurers.

Paliwanag ni dy, ang mga barangay officials ang siyang frontliners sa paghahatid ng basic government services sa taumbayan.

Malaki din anya ang papel na ginagampanan ng mga ito sa pag unlad at kapayapaan sa kani-kanilang lugar kaya marapat lamang na mapasama sila sa GSIS coverage.

Read more...