Comelec kuntento sa turnout sa unang linggo ng voter registration

Mataas ang turnout ng voter registration sa unang linggo ng pagsisimula nito.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, marami ang nagparehistro at katunayan sa unang araw pa lang ng pagbubukas ng registration ay nagkaroon na ng pila ng mga magpaparehistro.

Partikular na maraming nagparehistro sa unang Linggo ay sa Metro Manila.

August 1 nang magsimula muli ang registration para sa nalalapit na Barangay at SK elections sa 2020.

Tatagal hanggang sa September 30 ang registration.

Maaring magparehistro ang mga hindi pa rehistradong botante at mga na-deactivate.

Maari ding magtungo sa Comelec office ang mga may nais nipabago sa detalye ng kanilang registration at nais magpalipat ng rehistro.

Read more...