Sa gitna ng namumuong sigalot sa pagitan ng dalawang aktres hindi napigilan ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang mag-react.
Sa kaniyang post sa Twitter, tanong ni Leonen kina Bea at Julia – ” Is he really worth it? Hashtag JustAsking”.
Naaliw naman ang netizens sa tweet ng mahistrado ang marami ang sumagot.
May mga sumagot ng “No”, may sumagot ng “it depends”, at mayroon namang seryosong tinanong si Leonen kung pwede bang ireklamo ni Bea si Gerald dahil sa “psychological violence”.
Lalong umingay ang isyu na si Julia ang dahilan ng hiwalayang Bea at Gerald Anderson makaraang mag-post na ng kaniyang reaksyon sa Instagram si Julia.