Pangulong Duterte komportableng katrabaho si bagong DBM Sec. Wendel Avisado

KING RODRIGUEZ / PRESIDENTIAL PHOTO
Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili kay dating Davao City Administrator Wendel Avisado bilang bagong kalihim ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon sa pangulo, kaya pinili niya si Avisado dahil komportable siyang katrabaho ang kalihim.

Sinabi ng pangulo na wala siyang ibang makuha para ibigay ang pwesto sa DBM.

Utos ng pangulo kay Avisado, tiyakin na patas na maipapamahagi ang pera ng bayan.

Dati na ring nagtrabaho si Avisado sa Department of Intertior and Local Government (DILG) at itinalaga ni pang duterte bilang presidential assistant para mangasiwa sa resettlement ng mga pamilyang tinamaan ng bagyong yolanda niong 2013 sa Visayas Region.

Read more...