5 drug personalities na nasa watchlist ng MPD arestado

Timbog ang limang personalidad na pawang nasa watchlist ng Manila Police District (MPD) matapos mahulihan ng shabu sa ikinasang buy-bust operation madaling araw ng Miyerkules, July 7.

Nangyari ang pag-aresto sa mga suspek sa Balingkit St., Malate, Manila bago mag alas 2:00 ng madaling araw.

Kinilala ng mga tuahan ngStation Drug Enforcement Unit – Malate Police Station 9 ang mga suspek na sina George Calupal alyas ‘Praning’ 50 anyos, Rose Jin Traqueña, 29; Marlou Manuntag, 28; Aries Salazar, 31 anyos at Romalyn Dabalos, 41 anyos.

Nakuha sa kanila ang dalawang piraso ng P100 bill na ginamit bilang buy-bust money at 7 piraso ng sachet na naglalaman ng shabu.

Ang mga nadakip ay sasampahan ng paglabag sa RA 9165.

Read more...