M4 na lindol naitala sa Davao del Norte

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Davao del Norte alas 1:32 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa bahagi ng bayan ng Carmen.

May lalim na 30 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Naitala ang Instrumental Intensity na Intensity II sa Kidapawan City.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng lindol.

 

Read more...