Pagbaba ng inflation hindi ramdam ayon sa ilang kongresista

Hindi kumbinsido ang ilang mambabatas sa pagbaba ng July 2019 inflation rate sa 2.4%.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ang mababang inflation noong buwan ng Hulyo ay dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.

Kahit anya maging zero ang inflation pero mataas pa rin naman ang bilihin ay wala itong magandang epekto sa mamamayan.

Ang ibinibida lamang anya ng mga economic managers ay ang pagganda ng credit ratings ng bansa pero hindi naman ito nararamdaman ng mga consumers.

Sinabi naman ni TUCP Rep. Raymond Mendoza na maituturing na panloloko lamang ang false positive inflation rate dahil patuloy ang paghihirap ng pamilya ng nga manggagawa.

Bumaba nga anya ang inflation subalit nananatili pa rin ang mataas na presyo ng mga bilihin na kapareho lamang noong September 2018 kung kailan sumirit sa pinakamataas ang inflation rate ng bansa sa loob ng siyam na taon.

Wala anyang pagbaba sa presyo ng mga bilihin tulad ng sardinas, asukal at iba pang basic foods.

Bumaba man anya ang presyo ng bigas pero ang naapektuhan ay ang mga magsasaka dahil ang Rice Tariffication Law ay nagbukas sa importasyon ng bigas.

 

Read more...