Pederalismo nasa agenda pa ng administrasyong Duterte

Buhay pa ang Pederalismo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit nawala sa listahan ng mga priority legislative agenda ng Pangulo ang Pederalismo.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi kasi kailangan na idaan sa panukalang batas ang pagsusulong sa Pederalismo dahil kinakailangan na amyendahan ang Saligang Batas.

Ayon kay Panelo, ang kailangan ay magkasundo ang Kamara at Senado sa pamamagitan ng constituent assembly para mailatag ang proposed amendment.

Kung hindi man aniya makamit ang inaasam na Pederalismo, sinabi ni Panelo na maaari namang gamitin ang Local Government Code.

Una rito, sinabi ni Senador Bong Go na tanggap na ni Pangulong Duterte ang kapalaran na maaaring hindi lumusot ang Pederaslimo sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Matatandaang isa ang Pederalismo sa mga campaign promise ni Duterte noong 2016 presidential elections.

 

Read more...