Ininspeksyon ni Mayor Isko Moreno at Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang mga historical sites sa Maynila Araw ng Martes.
Nag-ikot ang kalihim at alkalde kasama ang iba pang opisyal ng Department of Tourism sa Andres Bonifacio Shrine, Plaza Roma, Intramuros, Luneta o Rizal Park, Manila Bay, at Plaza Rajah Sulayman.
Ayon kay Moreno, makikipagtulungan sila sa pamunuan ng DOT sa pagpapabuti at pagpapanatili ng kaayusan na mga makasaysayang lugar lalo na sa Intramuros at Luneta.
Sinabi naman ni Romulo-Puyat, plano nilang lagyan ng palaruan ang Rizal Park at isailalim ito sa rehabilitasyon pati na rin ang Manila Bay.
Ayon pa sa kalihim, susuportahan nila ang mga programa ng alkalde para sa turismo.
Wala pa namang napag-usapang budget para sa mga naturang proyekto dahil pag-uusapan pa ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ng DOT.