Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 34 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Laua-an.
May lalim ang pagyanig na isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang Intensity III sa Laua-an, habang Intensity II naman sa Patnongon at Barbaza, Antique.
Instrumental Intensity II ang naitala sa Culasi, Antique habang Instrumental Intensity I sa San Jose de Buenavista, Sebaste at Valderrama sa Antique at sa Malinao, Aklan.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES