Kinansela ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Martes.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay bunsod ng nararanasang sama ng panahon dulot ng Tropical Storm “Hanna.”
Apektado ng kanselasyon ang mga sumusunod na domestic at international flights:
Sa NAIA Terminal 2:
Philippine Airlines:
PR 425 at 426 na biyaheng Manila – Fukuoka – Manila
PR 418 at 419 na biyaheng Manila – Busan – Manila
Sa NAIA Terminal 3:
Cebu Pacific:
5J 325 at 326 na biyaheng Manila – Legazpi – Manila
Sa NAIA Terminal 4:
CebGo:
DG 6041 at 6042 na biyaheng Manila – Busuanga – Manila
SkyJet:
M8 711 at 712 na biyaheng Manila – Busuanga – Manila
AirSwift:
T6 126 at 127 na biyaheng Manila – Busuanga – Manila
Inabisuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline company para sa rebooking o refund ng kanilang ticket.