National dengue epidemic idineklara na ng DOH

Inquirer file photo

Idineklara na ng Department of Health ang national dengue epidemic sa bansa ngayong hapon.

Inanunsyo ni Health Secretary Francisco Duque ang nasabing balita sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) office, kasunod ito pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa.

Kabilang sa may mataas na na kaso ng nasabing sakit ay sa Region 1, Region 7 and Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa DOH, umabot na sa 10,500 ang kaso ng Dengue sa labing-apat na rehiyon sa bansa.

Mula noong Enero hanggang buwan ng Hulyo, nasa kabuuang 146,062 na kaso ang naitala sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 622 na ang nasawi.

Mas mataas ito ng 98-porsyento kumpara sa kaparehong petsa noong 2018.

Read more...