Pinaigting na ng pamahalaan ang intelligence gathering at seguridad sa Northern Luzon.
Ito ay matapos kumalat ang isang alert memorandum na galing umano sa Armed Forces of the Philippines na nakapasok na sa Northern Luzon ang ISIS at may planong pag-atake.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bagamat raw information pa ito, dadagagan na ang security measures sa iba’t ibang lugar para masigurong hindi makalulusot at makapaghahasik ng lagim ang teroristang grupo.
“No, that’s raw intelligence. That’s precisely why the President is praying na sana hindi tayo mapasok nang ganoon katindi na mga ISIS; because it will really bloody. We know that the ISIS group is so brutal in slaying people and we will be fighting back – and that will mean bloody encounters” paliwanag ni Panelo.
Ayon kay Panelo, patuloy ang panalangin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makalusot ang ISIS sa bansa dahil tiyak na magiging madugo ang bunga nito.
Pero ayon sa kalihim, kung kikilatisin ang ISIS, malakas ang pwersa nito at kayang pasukin ang alin mang bansa.
Idinagdag pa ng opisyal na ang problema sa Pilipinas ay maraming isla kung kaya kahit saan ay maaring makapasok ang teroristang grupo.