Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief General Oscar Albayalde na ipinag-utos ito kasunod ng mga natanggap na ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na posibleng pag-atake ng mga terorista sa mga probinsya sa rehiyon.
Sinabi nito na kailangan paigtingin ang intelligence operations maging ang police intervention activities tulad ng checkpoints.
Layon aniya nitong maiwasan ang anumang banta sa bahagi ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Central Luzon.
Dagdag pa ni Albayalde, magdaragdag ng presenya ng pulis malapit sa mga simbahan.
Matatandaang naglabas ang AFP ng “alert memo” para paigtingin ang pagbabantay sa mga simbahan at establisimiyento na posibleng target ng pag-atake ng mga terorista.