Kamara naghahanda na sa national budget deliberations

Inquirer file photo

Hinihintay na ng Kamara ang isusumiteng P4.1T panukalang 2020 panukalang budget.

Ayon kay House Speaker Alan Cayetano, nalaman nya sa balita kahapon na nabuo na ng palasyo ang 2020 proposed budget.

Sinabi ni Cayetano, mag-uusap sila ngayon ni House Committee on Appropriations Chair Isidro Ungab kaugnay sa schedule ng mga budget hearing.

Maari anya silang magkaroon ng sabayang hearing sa Kamara ukol sa budget.

Kagabi inanunsyo ng palasyo na inaprubahan na ng pangulo ang National Expenditure Program para sa susunod na taon.

Sa ilalim ng Saligang Batas nasa kapangyarihan ng Kamara ang pagpasa ng panukalang gugulin ng bansa bilang sila ang mayroong power of the purse.

Read more...