Pagbaba ng inflation bunga ng malakas na political will ni Pangulong Duterte

Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang pagbaba ng inflation sa bansa.

Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nasa 2.4 percent lamang ang inflation noong buwan ng Hulyo, pinakamababang inflation simula noong January 2017.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang malakas na political will ang dahilan ng pagbaba ng inflation.

Kumpiyansa ang palasyo na lalo pang baba ang inflation dahil patuloy na babantayan ng pamahalaan ang presyo ng pangunahing bilihin.

Pagtitiyak ng palasyo, pagsusumikapan ng administrasyon ni Pangulong Duterte na maipatupad ang macroeconomic policies para magkaroon ng positibong impact at maramdaman ng ordinaryong mamayan.

Read more...