Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inaprubahan ng pangulo ang rekomendasyon ni Locsin sa 40th cabinet meeting kagabi sa Malakanyang.
Sa panukala ni Locsin, lalagyan na ng Philippine Visa ang pasaporte ng mga Chinese sa halip na ilagay lamang sa isang pirasong papel.
Ayon kay Panelo, tiniyak naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mahigpit na babantayan ng Department of Justice (DOJ) ang mga turistang Chinese na nananatili sa bansa.
Iginiit aniya ni Guevarra na paiigtingin ng Bureau of Immigration ang immigration laws sakaling overstaying na ang mga Chinese sa Pilipinas.