Apat pang kasong libelo isinampa ni ES Medialdea vs Ramon Tulfo

Sinampahan ng apat na bilang ng kasong libelo ni Executive Secretary Salvador Medialdea si Special Envoy to China Ramon Tulfo.

Ayon kay Medialdea, ang kanyang abogadong si Elvis Balayan ang naghain ng kaso sa Manila Prosecutor’s Office.

Dalawang bilang ng libelo sa ilalim ng Revised Penal Code at dalawang bilang ng libel sa ilallim ng anti-cybercrime law ang kanyang inihaing kaso laban kay Tulfo.

Ito na ang ikalawang beses na kinasuhan ni Medialdea si Tulfo.

Una nang kinasuhan ng libel si Tulfo noong June 17 dahil sa malisyosong artikulo.

Inaaksuahan ni Tulfo na mayroong ‘unholy alliance’ sina Medialdea at PCSO board Member Sandra cam.

Hiniharang din umano ni Medialdea ang reward money sa isang Felecito Mejorada.

Read more...