Bagyong Hanna lumakas pa, isa nang severe tropical storm

Lumakas pa ang bagyong Hanna at ngayon ay isa nang severe tropical storm.

Sa latest weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 795 kilometers East n gCalayan, Cagayan.

Tagyal na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.

Halos hindi gumagalaw ang bagyo.

Ayon sa PAGASA ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay nagpapaulan sa Wester Visayas, northern portions ng Palawan, sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Cavite, Batangas at Laguna.

Kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Central Visayas at nalalabi pang bahagi ng Luzon.

Ganito rin ang lagay ng panahon na mararanasan sa nabanggit na mga lugar bukas, araw ng Miyerkules (Aug. 7).

Pinag-iingat ang mga residente sa nasabing mga lugar sa posibleng pagbaha o landslides.

Read more...