Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 2.4% ang inflation rate noong Hulyo.
Mas mababa pa kumpara sa 2.7% noong Hunyo.
Higit na mas mababa ang datos kumpara sa 5.7 percent na inflation rate noong July 2018.
Ayon sa PSA, ito na ang pinakamababang inflation na naitala simula noong January 2017.
Pasok rin ito sa target ng Bangko Central ng Pilipinas na 2% hanggang 2.8%.
Top contributor sa overall inflation para sa buwan ng Hulyo ang Food and Non-Alcoholic Beverages.
MOST READ
LATEST STORIES