Water level ng Angat dam sumampa na sa 169-meter level

Nadagdagan ng halos isang metro ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Alas 6:00 ng umaga ng Martes, Aug. 6 sinabi ng PAGASA Hydrology Division na nasa 169.26 meters na ang water level ng Angat dam.

Nadagdagan din ang water level ng La Mesa dam at nasa 75.58 meters ngayon.

Nabawasan naman ang Ipo dam na ngayon ay nasa 100.74 meters at nabawasan din ang water level ng Binga at Caliraya dams

Ang iba pang dam sa Luzon ay pawang nadagdagan ang water level.

Read more...