Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers Northeast ng bayan ng Itbayat, alas-2:34 umaga ng Martes (August 6) at may lalim na 18 kilometers.
Ang pagyanig ay aftershock ng malalakas na lindol na yumanig sa Batanes noong July 27, 2019.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur.
Naitala ang pagyanig sa 2 kilometers Northwest ng bayan ng Carmen, alas-2:53 ng umaga at may lalim na 136 kilometers.
Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
READ NEXT
Red warning nakataas sa Mindoro Occidental; maraming bayan sa Palawan isinailalim naman sa orange warning ng PAGASA
MOST READ
LATEST STORIES