Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ng Martes, Aug. 6, red warning level ang nakataas sa Occidental Mindoro.
Ayon sa PAGASA sa ilalim ng red warning level, serious flodding ang aasahan sa mabababang lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.
Samantala, sa parehong abiso, orange warning level naman ang nakataas sa maraming bayan sa Palawan.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
Busuanga
Coron
Culion
Linapacan
El Nido
Agutaya
Magsaysay
Cuyo
Taytay
San Vicente
Roxas
Puerto Princesa
Dumaran
Aracelli
Cagayancillo
Nakaamba din ang posibleng pagbaha sa mabababang lugar.
Ang pag-ulan na nararanasan sa nasabing mga lugar ay dulot ng Habagat na pinalalakas ng bagyong Hanna.
Payo ng PAGASA sa mga residente ay maging alerto sa lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau.